Una sa Balita

Tapos nang banatan: SMB masusubok vs TNT

0 468

PINAKAMALAKING epekto ng hindi pa rin kinukumpirmang sapakan ng mga player ang paghahabol ng San Miguel Beer sa grand slam ng 2019 PBA season.

Sa sinasabing suntukan sa praktis, may mga ‘di nagkakasundo sa loob ng team.

Sabihin mang naayos ng team management at coaching staff ang gulo, siguradong may tensiyon pa rin sa pagitan nina Kelly Nabong, Ronald Tubid at Arwind Santos, isama na si Dez Wells kung magdedesisyon ang team na ibalik pa rin ang import sa kabuuan pa ng Governors Cup.

Inari na ng Beermen ang korona ng Philippine at Commissioner’s Cup, ang season-ending tournament title na lang ang kulang para makumpleto ang slam.

Sinasabing nagsimula ang pagpapang-abot nang bigyan ni Santos ng hard pick si Wells na bumagsak sa sahig sa ensayo sa Upper Deck nitong Linggo. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy