Una sa Balita

Tapos na ang eleksyon

0 313

Kasalukuyang bumoboto ang mga tao habang isinusulat ko ang artikulong ito. Malayo pa ang resulta ng halalan.

Sino-sino kaya ang mga magwawagi? Lahat ng kandidato ay umaasam at nagdarasal na manalo. Tanging ang pagpapasya ng mga tao, matapos ang botohan, ang makapagsasabi kung ano ang magiging resulta ng halalang ito.

At habang binabasa nyo ang issue ng pahayagan ngayon ay tapos na ang botohan at marahil may nakikita na o naaaninag nang resulta sa bilangan kung sino ang mga nangunguna.

Malakas ang kutob­ ko na may ilang magwawagi mula sa oposisyon. At mahalagang nakapasok ang ilan para masigurong magkaroon ng isang independienteng senado.

Ang tao na ang nagsalita dito. Nais ng mga tao ng isang senadong hindi sunud-sunuran. Ayaw na ng mga tao sa magnanakaw at trapo.

Sa mga umaasam na kandidato ng administrasyon, napakarami ninyong mga sipsip, e ilan lang ang bakanteng upuan. Asa pa kayo! Napakarami ninyong nag-aagawan.

Maliban diyan, alam ng mga tao kung ano ang inyong mga posisyon sa mga mahahala­gang isyu. Kaya kung ikaw ay pabor sa patayan, hindi ka mananalo. Kung naging epal ka, hindi ka mananalo. Kung nagnakaw ka at ayaw mong magsoli, hindi ka mananalo. Kung sumayaw-sayaw ka lang sa kampanya, hindi na ‘yan ang gusto ng tao.

Ang gusto ng tao ay bumababa ka sa kanila at nakiki­pag-usap. Inaangat ng ganyang istilo ang halaga ng mga tao. Hindi ‘yung puro entertainment lang.

Kaya, abangan hanggang sa dulo ng bilangan at kung sino ‘yung ibang mga madedeklarang panalo.
Tapos na ang Eleksyon!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy