Una sa Balita

Tapos magrelaks Canonigo, FEU bibigwasan ang Ateneo

By
0 321

Mga laro ngayon:
(FEU-Diliman)    
9:00am — NU vs UE (men’s)
1:30pm — UP vs AdU (men’n)
3:30pm — FEU vs Ateneo (men’s)

SISIKAPIN ng Far Eas­tern University na pa­lakasin ang kapit sa top spot pagharap nila sa Ateneo ngayong araw sa UAAP Season 81 men’s football tournament.

Magsisimula ang banatan sa alas-3:30 ng hapon sa FEU-Diliman pitch.

Pakay naman ng defending champion University of the Philippines na maghiganti sa kanilang first round loss kontra Adamson University sa ala-1:30 ng hapon habang magkatapat ang National University at University of the East sa alas-9:00 ng umaga.

Ipinaramdam ng Tamaraws ang kanilang lakas matapos ma­nguna sa pagtatapos ng first round, tangan ang 15 points mula sa apat na panalo at tatlong draws.

Galing sa 10-day break ang FEU matapos kalusin ang De La Salle, 2-1, dahil sa go-ahead free kick ni Nikki Canonigo noong March 17.

Nakalsuhan naman ang three consecutive clean sheets ng Blue Eagles nang yumuko nakaraan sa Green Archers, 1-2, nasa fourth sila ngayon hawak ang 10 points.

Magkasalo sa se­venth spot ang Fighting Maroons at Red Warriors tangan ang tig-seven points.

Tabla sa 1-1 ang laban ng Adamson University sa NU sa kanilang unang laro sa second round noong Linggo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy