Una sa Balita

Tapang at Malasakit

By
0 37

Maraming Filipino na sumusuporta kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte ay alam ang katagang ‘Tapang at Malasakit’.

Ito ang katangian na hinahangaan sa kanya nang nagdala sa kanya sa pinakamataas na posisyon ng bansa pero hindi masyadong nabibigyan ng halaga dahil mas napupuna ng mga kritiko ng Pangulo ang lumalabas sa kanya kaysa sa kanyang ginagawa.

Noong Oktubre 23, 2017 inilunsad ni Inday Sara Duterte ang TM (Tapang at Malasakit) dito sa Metro Manila.

Ito ay makabuluhan dahil ito ang unang pagkakataon ng Mayor ng Davao City na humarap sa publiko hindi bilang isang tagapamahala ng isang lungsod kundi bilang anak ni Pangulong Duterte para hikayatin ang lahat ng sumusuporta sa administrasyong Duterte na magkaisa at ipagpatuloy ang sinumulang adhikain ng pagbabago kontra droga at korapsyon.

Dinayo ng sinasabing tagapagmana ni PRRD ang masalimuot na kabisera ng Pilipinas upang ipaalala sa lahat ng huwag kalimutan ang totoong ipinaglalaban upang hindi lumihis sa landas dulot ng sakit at oportunistang interes ng mga ganid at k*pal na nakakubli sa kasamaan.

Ipinaalala rin ni Inday Sara na ang pagi­ging matapang ay hindi ‘yung paghahanap ng away at gulo.

Ang tunay na katapangan ay ang pag-iwas sa negatibong paraan ng pakikipaglaban bagkus ang positibong pagtugon sa mga batikos ng kalaban.

Ang katapangan ay ang walang sawang pakikibaka sa mga taong umaabuso sa mga maliliit at mahihirap.