Una sa Balita

Tapang at Malasakit National Finals sa Davao

0 558

Sasambulat na ang National Finals ng ‘Ang Tapang at Malasakit National Basketball & Volleyball Tournament’ ni Paolo Duterte na gaganapin sa Davao City, Almendras Gym sa ­Hunyo 7, 2018.

Ito’y binubuo ng Luzon-Malolos Bulacan, Visayas-Mandaue City, Mindanao-Davao City at ang NCR-Quezon City/Marikina.

Buong pasasalamat ang pinababatid ni Mr. Paolo Duterte sa kooperasyon na ipinagkaloob ng mga lokal na pamahalaan, na ang ang adhikain ay para maiwas ang kabataan sa masamang bisyo at madiskubre ang mga atleta na makapaglaro sa eskuwela at mabigyan ng scholarship.

Nakakataba ng puso ang pagsuporta ng mga local goverment na ipahiram ang kanilang mga venue nang libre, gaya na lamang ni Mayor Jun Jun Ynares ng Antipolo, Senator JV Ejercito ng San Juan, Mayor Luigi Quisum­bing ng Mandaue City, Ambassador Amable R. Aguiluz V ng AMA University, Mayor Abigail Aquino ng Real, Quezon at si Governor Wilhelmino Alvarado ng Bulacan, na lahat ay pawang may magagandang programa sa larangan ng palakasan.

***

Binabati ko nga pala si Ian Chua ng Pulong selection na naging best player nu’ng nakaraang laro ng selection, na nagtala ng 27 points at 15 rebounds at halos tuwing laro ay kumakamada ng double-double. Binabati ko rin si Lance Ronquillo ng San Beda 13-under sa kanyang magandang pinapakita sa Breakdown Basketball at Gotskills tournament kung saan maituturong na isa siyang ball around player sa pagiging maliksi at deadly sa labas bilang isang point guard. Gayundin sa Cocolife na patuloy na sumusuporta sa mga atletang Pinoy.