Una sa Balita

‘Taong putik’ ng Nueva Ecija wagi sa int’l photo contest

0 393

Nangibabaw ang litratong kuha sa “Mud People Festival” sa Alia­ga, Nueva Ecija sa ginanap na 2020 International Photographic Contest sa Thailand bilang paggunita sa Prince Naris Day.

Kuha ang litrato ng cruise photographer na si Jophel Ybiosa na nagpapakita ng selebrasyon ng “Mud People Festival” noong Hunyo 24 at nag-iisang entry mula sa Pilipinas.

Magiging bahagi ang winning photo niya ng official catalogue at international exhibition.

Inorganisa ang pa­timpalak ng Silpakorn University sa Bangkok sa kooperasyon ng Royal Photographic Society ng Thailand at Narisaranuvattivongse Foundation noong Ene­ro 31, 2020.

“Devotees wear dried banana leaves and cover themselves with mud while offering prayer or paying homag­e to Saint John the Baptist,” saad ni Ybiosa sa kanyang larawan.

Naniniwala umano ang mga deboto na si Saint John the Baptist ang nagsagip sa kanila mula sa execution ng mga sundalong Hapon noong World War II.

Bilang selebrasyon noon, nagpagulong-gulong ang mga residente ng Aliaga sa putik matapos magbago ang isip ng mga Hapon na patayin sila. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More