Chinese-Taipei B...

TAOB SA GILAS

By

Mga laro ngayon:
11:00 a.m. — Chinese-Taipei White vs. Iraq
1:00 p.m. — Japan vs. Philippines
3:00 p.m. — India vs. Iran
5:00 p.m. — South Korea vs. Lithuania
7:00 p.m. — Canada vs. Chinese-Taipei Blue

Wala pang isang araw matapos ilampaso ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei-A, 88-71, isinunod agad ng Pinoys ang Chinese Taipei-B, 93-82 upang manatili sa asam nilang korona sa 39th Jones Cup sa Taipei Heping Gymnasium, sa Taiwan.

Tangan ang 2-1 card, hindi naging madali para sa Gilas Pilipinas na pabagsakin ang mga batang Taipei matapos silang kapitan, 74-73 may 7:25 minuto pa sa fourth period.

Bumanat ng tres si Matthew Wright para ila­gay ang Pinoy cagers sa 77-73 abante.

Kumayod ang Gilas Pilipinas ng 11-4 run mula sa three-point shot ni Roger Pogoy at tira sa ilalim ni Jio Jalalon tungo sa nine-point lead nila, 88-77 may 2:10 minuto na lang sa orasan.

Kumana si Wright 21 points kasama ang 5-of-9 shooting sa three-point habang may tig 14 points at rebounds si import Mike Myers.

Nag-ambag si Kie­fer Ravena ng 10 puntos at pitong assists, habang anim na puntos at siyam na rebounds ang binakas ni Christian Standhardinger.

May 13 markers at tig limang rebounds at assists si Jalalon.

Para lalong lumakas ang tsansa ng Gilas Pilipinas na makuha ang titulo, kailangan makatikim ng talo ang Canada.

Kasalukuyang namamayagpag ang Canada matapos nilang talunin ang Iraq, 99-48 upang hawakan ang 3-0 card.


Yumuko ang Gilas sa Canada sa kanilang unang laro.

Susunod na makaka­laban ng Pilipinas ang Japan ngayong ala-una ng hapon.

SHARE