“TAO KAYA SI SARAH?” — CHRISTIAN

By

Still in search, ang sagot ni Christian Bables nang tanungin ito kung paano niya masa­sabi na he finally found someone nang tanungin siya sa presscon ng Finally Found Someone.

“Wala po eh. I’m still in search. Hindi ko ­ma-define kung ano ‘yung the one ko.

Kumbaga, parang hindi ko pa alam kung kailan at saan kasi I’m still ­searching…searching for the right lady,” ang sabi ni Christian na nakaranas nang dumalo noon sa presscon ng mga ­pelikula pero halata na may kaba sa media ­conference ng bagong pelikula ni Sarah Geronimo.

May dahilan ang kaba na nararamdaman ni Christian dahil hindi siya makapaniwala na makakatrabaho niya sa isang movie ­project ang kanyang hina­hangaan na singer-actress.

“Nang i-offer sa akin ito (Finally Found Someone), sobrang tuwa ko po. ­Tapos ‘yung kay Ate Sarah, nakakatuwa rin po ­dahil Popster ako.

“Ako as a fan, unimaginable ‘yung bait ni Ate Sarah kasi noong nagsisimula pa lang ako, iniisip ko, tao kaya siya?

“Si Ate Sarah, ate ko siya, ang sarap sa pakiramdam na itong malalaking ­taong ito ay may time at may puso na makipagkuwentuhan sa kagaya ko po na baguhan pa lang,” ang sabi ni Christian na nagsalita rin na masaya sa paki­ramdam na hindi bakla ang role niya sa Finally Found Someone dahil hindi na siya nagsusuot ng heels at panty tulad nang kanyang ginawa sa Die Beautiful. 

SHARE