Una sa Balita

Tanong ng mga netizen: Bakit hindi Buwan ng ‘mga’ Wika?

0 1,073

Ngayong Agosto ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa at ito nga ayon sa Saligang Batas ay Filipino. Gayunman, kinuwestiyon ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang naging batayan ng pagtatatag nito para gamitin sa buong bansa.

Sa Twitter, inilahad ni Leonen ang katanungan nito hinggil sa batayan ng ating pambansang wika?

Aniya, “Tanong para sa Buwan ng Wika, paano at bakit Tagalog ang naging batayan ng Pilipino/Filipino? Bakit hindi Cebuano, Ilocano, Kapangpangan, Tausog, Mangyan et al? Dumaan kaya ito sa malawakang konsultasyon?”

Umani naman ito ng komento at reaksyon mula sa mga netizen.

Ruh Alonto, @RuhAlonto, “Manila has always been a center of power, hence it also became a focal point for nation-building activities. Tagalog being the language of those in power thus became the backbone of our national language.

Rey Elbo, @Rey_Elbo, “Maybe it’s too late to ask that question. Mas marami na kasi ngayon ang marunong ng Tagalog kesa Cebuano, Ilocano at ibang dialect. These days, non-Tagalog native speakers can now speak Tagalog rather than vice versa.”

Habang ang netizen naman na si Karly mae jepsen na may username na @karlymae21 ay ipinakita pa ang thread na mula kay Marhay Na Carey, @keiakamatsu, na nagmumungkahing dapat na itong tawaging Buwan ng ‘mga’ Wika dahil sa iba’t ibang rason tulad ng pangkasaysayan, heograpikal at polisiya sa wika.

Sa tala ng Komisyon sa Wikang Filipino, mayroong 130 katutubong wika sa bansa na dapat pangalagaan bilang pamanang pangkultura o intangible heritage.

Nakasaad din sa Konstitusyon na may dalawang opisyal na wika ang Pilipinas – ito ay ang Filipino at English, at habang nililinang ang una ito ay dapat na nakabatay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.

(Issa Santiago/Gel Manalo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy