Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tanod swak sa murder ng may mental problem

0 199

Nahaharap na sa kasong murder ang barangay tanod na nakabaril at nakapatay sa isang lalaking may problema sa pag-iisip.

Sinabi ni Chief PNP Gen. Guillermo ELeazar sa isang panayam na naghahanda na ang Manila Police District ng kasong murder laban sa barangay tanod na bumaril kay Eduardo Geñoga, 59, na lumabag umano sa curfew .

Ang insidente ay nangyari sa Barangay 156 noong Sabado ng gabi.

Sa CCTV footage, makikita na pinagsasabihan ni barangay tanod Cesar Panlaqui ang isang lalaki na may hawak ng wooden stick at umalis na. Pagdaka’y hinabol ang biktima at binaril.

“Ang hinandang kaso ng MPD is murder. Ipapaubaya natin sa piskalya itong disposisyon ng kasong ito,” pahayag ni Eleazar.

Sinabi pa ni Eleazar na ang baril na nakuha sa suspect ay walang serial number. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.