Una sa Balita

Tanod patay, kasama malubha sa pananambang ng tandem

0 407

PATAY ang isang barangay tanod habang nasa malubhnag kalagayan naman ang kasama nitong baabae matapos na tambangan ng hindi pa kilalang riding-in-tandem noong Sabado bago magtanghali sa Cataingan, Masbate.

Dead on-the-spot matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Arnel Hortelano, 33-anyos, tanod ng Barangay Mahayahay ng bayang ito, habang patuloy na inoobserbahan sa Cataingan District Hospital ang kasama nitong si Nancy Almod, 37, na nagtamo rin ng tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:50 nang umaga sa kahabaan ng Barangay Cabatang ng nabatid na bayan.

Nabatid na magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima na minamaneho ni Hortelano. Pauwi na sana sa kanilang bahay nang bigla na lang silang sabayan ng mga suspek na magkaangkas din sa isang motorsiklo at nang makalapit ay agad silang pinagbabaril ng mga ito.

Tumakas lang ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo nang masigurong wala ng buhay ang lalaking biktima na pinaniniwalaang target ng pamamaslang. (Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More