Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tanod ni-rape dalagitang kabarangay

0 462

Kalaboso ang isang manyak na barangay tanod matapos halayin ang isang 11-anyos na batang babae sa Rosales, Pangasinan noong Lunes.

Ayon kay Rosales Police office-in-charge P/Maj. Felimon Oligo Jr., ang suspek ay kinilalang si Eric Jimenez, 42, binata, at barangay tanod sa nasabing lugar.

Pumunta umano sa bukid ang biktima para sundan ang bayaw niya na nagpapastol ng kambing sa Brgy. Tumana West, sa nasabing bayan. Dito umano inabangan ng suspek ang dalagita at hinila sa madamong lugar at ginawa ang panghahalay.

Nakita ng bayaw ng biktima habang hinahalay ito kaya agad na ipinagbigay-alam sa mga kinaookolan. Matapos i-report sa himpilan ng pulisya ay agad na tinungo ang lugar at nahuli ang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.