Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tanod nanita sa checkpoint, tinigok

0 431

BINARIL hanggang sa mapatay ang isang barangay tanod na siyang nagbabantay sa isang checkpoint sa Floridablanca, Pampanga nang sitahin nito ang di nakilalang mga suspek dahil walang suot na face mask.

Kinilala ang biktima na si Joseph Labonera Jr. ng Barangay del Carmen.

Nakuhanan pa ng CCTV ang pamamaril sa tanod.

Nakatakip na ng face masks ang mga suspek nang mahagip ng CCTV ang pamamaril.

“Para hindi sila nasisita, sumunod sila sa health protocol. Hindi ‘yung patayin nila yung tao,” malungkot na pahayag ni Barangay Captain Joel Santos.

Inaalam pa rin ngayon ng mga pulis ang pagkakakilanlan sa mga suspek.

Nag-alok naman si Pampanga Governor Dennis Pineda ng P300,000 reward money sa sinumang makapagtuturo sa pagkakakilanlan ng mga salarin. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.