Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tanod inasinta sa hapunan

0 89

KRITIKAL ang isang tanod matapos itong mabaril sa leeg at katawan ng hindi pa nakikilalang suspek habang naghahapunan sa San Miguel, Cebu City noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Bryan Mabaga, nasa hustong gulang at tanod sa Brgy. Lorega, San Miguel, Cebu City.
Itinalaga sa Zapatera Elementary School sa nasabing bayan ang biktima at kapwa tanod para magbantay sa isinasagawang bilangan ng mga balota.

Ayon kay Cebu City Police Office deputy director Police Lieutenant Colonel Ryan Devaras, naghahapunan ang biktima at kasama niya nang dumating ang dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at pagbabarilin ito ng ilang beses.

Iniimbestigahan ng pulisya ang anggulong may naka-atraso ito bilang motibo sa pamamaril.

Leave A Reply

Your email address will not be published.