Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tanod, 4 pa dinampot sa sugal

0 10

Lima katao ang dinakma kabilang ang isang barangay tanod matapos silang makorner habang nasa aktong nagsusugal ng drop ball sa Purok 2, Barangay Baan, Aritao, Nueva Vizcaya kamakalawa.

Ayon kay Aritao Police Station (APS) office P/Col. Ranser Evasco, ang mga suspek ay sina Jonathan Bautista, 38, isang barangay ta­nod at Ronaldo Danggol, kapwa taga-Barangay Baan; Garry Sa­bino at Oliver ­Danghale, kapwa taga-Kayapa at Alexon Sanu-an, ng Bambang ng nasabing lalawigan.

Sa report, sinabi ni Evasco, may tumawag mula sa telepono na isang concerned citizen at sinabing ang mga suspek ay nagsusugal ng drop ball sa Purok 2, Baragay Baan ng nasabing bayan.

Agad na nagkasa ng anti-illegal gambling ang mga operatiba at nasukol ang limang suspek habang nasa aktong nagsusugal.

Nakuha mula sa mga suspek ang 119 pulang baraha, card holder, 4 apat na box na bagong mga baraha, 3 drop balls, 115 chips, 5 drop ball cards at bet money na P698.00.

Dinala ang mga suspek sa APS at nahaharap sa kasong anti-illegal gambling act. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.