Una sa Balita

Tankoua, Beda angat sa 10-0; Lyceum pinigtas ang ‘sumpa’

0 185

NAGSALANSAN ng tig-13 points sina local Evan Nelle at Clint Doliguez at Cameroonian Donald Tankoua upang akayin ang defending champion San Beda University Red Lions sa 98-66 panalo kontra naghihingalong Emilio Aguinaldo College Generals sa 95th NCAA basketball tournament kahapon sa first game sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Dikitan pa ang labanan sa first canto, angat ang Mendiola-based squad Red Lions ng dalawang puntos, 16-14 sa first canto.

Subalit bumangis ang San Beda sa second sa pamumuno nina Nelle at Tankoua upang ilayo ang iskor, 54-23 sa halftime.

Tangan ng Red Lions ang malinis na 10 panalo.

“We’re no. 1 and hopefully, we could sustain this,” hayag ni head coach Boyet Fernandez.

Samantala, kumayod sa opensa sina Cameroonian Mike Nzeusseu at magkapatid na Jaycee at Jayvee Marcelino upang akbayan ang Lyceum of the Philippines Pirates sa 93-90 panalo kontra Arellano University Chiefs sa second game.

Nagtala si Nzeusseu ng 23 points habang 12 at 10 ang inambag nina Jaycee at Jayvee, ayon sa pagkakasunod, upang kalsuhan ang two-game skid ng Pirates at ilista ang 7-3 record.

Matamis ang panalo ng Lyceum dahil nabawian nila ang Chiefs.

Yumuko ang LPU sa Arellano sa una nilang pagkikita sa first round ng 10-team double round robin tournament. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy