Una sa Balita

Tanim-droga ibinabala sa mga motorista

By
0 371

KUMAKALAT ngayon ang isang text message sa Bicol region hinggil sa gagawing checkpoints umano ng awtoridad mula sa iba’t ibang ahensya sa iba’t ibang lugar sa Bicol region at tataniman umano ng iligal na droga ang mga motorista upang mapatunayan lang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Bicol, partikular ang lungsod ng Naga ay isa sa mga ‘hotbed’ ng iligal na droga.

“Sa aga checkpoint maghapon 7:00am-10:00pm mga police na hali sa ibang lugar, intellegence na mataranim droga ta gusto ni Duterte mapatunayan na digdi hali Bicol ang mga droga, pati mga alternative na agihan gom mga shortcut may mga checkpoint po, HPG, LTO, PSO, PNP, LTFRB, 3 teams LTO, 48 teams HPG sabihan mo mga barkada mo mga paramotor ta hirak man kung magkataranoman”

(Checkpoints sa umaga hanggang hapon, 7:00am hanggang 10:00pm, mga pulis na ga­ling sa ibang lugar, intelligence na magtatanim ng droga dahil gusto ni Duterte na mapatuna­yan na dito galing sa Bicol ang mga droga, pati ang mga alternatibong daanan at mga shortcut may checkpoints po, HPG, LTO, PSO, PNP, LTFRB, 3 teams ang LTO, 48 teams ang HPG, sabihan mo mga barkada mo na nagmomotorsiklo dahil kawawa naman kung magkakaroon ng tanim droga), ito ang nakasaad sa kumakalat na text message sa Bicol region.

Abante Hiring – IT dep

Samantala sa Facebook post ng Naga City government, sinabi dito na mayroong checkpoint sa iba’t ibang lugar sa lungsod sa mga susunod na araw ng iba’t ibang ahensya pero ito ay para sa seguridad ng nalalapit na Peñafrancia festival. Wala umanong katotohanan ang kumakalat na mga text message hinggil sa tanim-droga.

Siniguro din ng pamunuan ng Naga City Local Government Unit (LGU) ang publiko na ang lahat ng aktibidad ng ibat-ibang enforcement agancies ay naayon sa batas.