Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tangke ng ethanol sumabog, pabrika nasunog

0 68

Sugatan ang dalawang obrero matapos sumambulat ang isang tangke ng alcohol na nasa isang pabrika ng kemikal sa bayan ng Calaca, Batangas, Huwebes ng hapon.

Kinilala ng Calaca Police ang mga biktima na sina Denver Bakilan at Redforth Soneja, na nagtamo ng mga pinsala sa iba’ t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa report, nagwe-welding ang dalawa sa isang walang lamang tangke ng ethanol na nasa loob ng Balayan Distillery Inc., sa Barangay Talisay nang bigla na lamang sumabog ang isang tangke na nasa tabi nila.

SM food to go Banner Ad

Kumalat ang apoy at nadamay sina Bakilan at Soneja pati na ang mga katabing tangke at iba pang kagamitan.

Naapula ang apoy bandang alas-5:30 na ng hapon.

Ayon kay Calaca Police chief Vergilio Jopia, hindi naglagay ng mga safety gadget at harang ang mga biktima kaya natalsikan ng apoy ang sumabog na tangke sa kabila noon ay ligtas na ang mga biktima sa ospital.

Noong Hulyo 4 ay nasunog na rin ang ilang bahagi ng naturang planta matapos umanong tamaan ng kidlat ang isa sa mga ethanol tank. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.