Una sa Balita

Tangke ng ammonia sumabog: 1 todas, 2 sugatan sa Zamboanga

By
0 333

PATAY ang isang trabahador habang dalawa pa sa kasamahan nito ang sugatan nang sumabog ang tangke ng ammonia sa isang ice plant kamakalawa sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang nasawing biktima na nakaranas ng ­hirap sa paghinga na si Jemlar Montesa ­Bulay, 19-­anyos, ice plant laborer. Patuloy namang ginagamot sa Aisah Hospital sina Brinton Wasawas, 29-­anyos, at Alberto Singedas, 60-anyos, pawang trabahador ng Ramona (Tukuran) Fishing Corporation sa Rizal Ave­nue, Brgy. Tuburan District ng nabatid na lungsod.

Ayon kay Chief Insp. Helen Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente Sabado ng hapon nang bigla na lang sumabog ang tangke ng ammonia sa nasabing pagawaan dahilan upang kumalat ang amoy nito.
Mabilis na rumesponde ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pagadian City at miyembro ng bomb squad ng pulisya upang i-­secure ang lugar.

Iniimbestigahan na ng awtoridad ang sanhi ng pagsabog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy