Una sa Balita

Tanggalin ang bato

By
0 181

May bato ako sa apdo. Nong 2008 kong nalaman ito. Hangaang ngayon hindi pa ako nagpa-check up ulit. Isang buwan na ako uminom ng Rowachol. Ano ang payo mo? — Name withheld

Kung walang sintomas ito, hindi na kailangan gamutin. Kapag masakit ang tiyan, likod o kanang balikat, may lagnat, giniginaw ka at naninilaw ang balat at mata, dapat tanggalin ang bato sa pamamagitan ng gamot na nagtutunaw o nagdudurog ng gallstones o operasyon (cholecystectomy).

Ang Rowachol ay may essential oils na tumutulong sa pagtunaw o pagdurog ng gallstones na gawa sa cholesterol upang mailabas ito. Kailangan gamitin ito kasabay ng chenodeoxycholic acid. Inumin ito kapag walang laman ang tiyan o 30 minutes before meals.

Bawal ito sa bata, buntis, sa nagpapasuso at sa taong below 18 years old. Tanungin ang doktor bago inumin ito kung gumagamit ka ng blood thinners o anti-coagulants. Isa sa mga sangkap nito ay glycerine (glycerol) na masama in high doses.

Ang mga side effects nito ay sakit ng ulo, diarrhea at stomach upset. Huwag inumin ito kung allergic ka sa mga sangkap nito o hindi ka hiyang sa sodium ethyl hydroxybenzoate (E215) at sodium propyl hydroxybenzoate (E217). Maaring magkaroon ng sugat ang bibig pero bihira ito.

Pwedeng makatulong ang Rowachol pero as a rule matagal matunaw ang gallstones sa gamot. Aabutin ito ng buwan o taon bago umepekto. Minsan, hindi pa ito nakakatulong. Pumunta sa doktor para sa tamang gamot.

***

Ano kaya ang lumalabas sa pwerta ko na mabaho at parang nana? — Name withhleld

Ang normal vaginal discharge ay maputi at malagkit o malinaw at parang tubig. Naglilinis ito ng vagina. Pero kapag mabaho at may kakaibang kulay ito, maaring may yeast infection o sexually transmitted disease (STD) ka. Magpatingin sa gynecologist para malaman kung ano ang problema.

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-email kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com, mag-text sa 0935-972-0691 o mag-iwan ng message at i-like ang kanyang Facebook page Health Frontiers Online. Sasagutin niya ang mga tanong niyo dito. Si George ay beteranong health columnist at author ng 3 health books.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy