Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tanders sa Cebu City babakunahan na uli

0 59

Magpapatuloy na ang COVID-19 vaccination rollout para sa mga senior citizen sa Cebu City bukas.

Sabi ni Mayor Edgardo Labella, halos 10,000 bakuna na gawa ng China’s Sinovac ang nilaan ng Department of Health – Central Visayas (DOH-7) sa lungsod.

Mga limang araw ang aabutin para makumpleto ang rollout para sa 10,000 bakuna.

SM food to go Banner Ad

Bibigyang-prayoridad ang mga matatanda sa pagpapatuloy ng pagbabakuna sa tatlong vaccination center sa Cebu City, ayon naman kay Cebu City Health OIC Dr. Jeffrey Ibones.

Noong Abril 30, tumanggap ang DOH-7 ng higit 56,000 bakuna, na siyang ipamamahagi sa mga lalawigan at mga highly urbanized city sa rehiyon. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.