Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tanders na Hapon dedo sa Nueva Ecija

0 77

Isang may edad na Japanese national ang natagpuang nakahandusay kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Columbitin, Cuyapo, Nueva Ecija makaraang maging biktima umano ng karahasan.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Erwin Ferry, nakilala ang biktima na si Norio Lurumatsuka, 82, tubong Tokyo, Japan.

Sa paunang pagsisiyasat, sinabi ng awtoridad na nagtamo ang matanda ng mga pukpok sa ulo at natagpuang nakabulagta sa tinutuluyang kubo na pag-aari ni Rolly Sinohin Dumandan, 68, residente ng naturang barangay.

SM food to go Banner Ad

Ayon pa kay Ferry, tila may 10 araw na umanong nanunuluyan sa lugar ang Hapon na inilarawang ‘palaboy’ mula Baguio at Tarlac.

Agad umanong ipinabatid sa Japanese Embassy ang naturang pangyayari. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.