Una sa Balita

Tanders ang peg

0 735

WALANG BOLAHAN
Dra. Margarita Holmes

Dear Dra Holmes:
Please call me Sweet Angel, Dra. That is what my long time lover used to call me. I would like to know if there’s something wrong with me because I am attracted and derive pleasure from having relationship with older married men. Now I am 44 yrs old and still single. Thanks and God bless. Xoxo Sweet Angel

Dear SA (Sweet Angel):
Maraming salamat sa iyong sulat. Mahirap sabihin kung mayroon kang diperensiya o wala, dahil lamang sa iyong pagkagusto sa mga lalaking may asawa at mas matanda sa iyo. Para sa mga asawa ng mga lalaking mayroon kang relas­yon, sigurado ako na ang isip nila ay mayroon ka ngang diperensiya.

Diperensiya sa pagpili ng lalake (dahil sa lahat naman na mapipili mo sa mundo, bakit pa ang mga may asawa na?) at diperensiya sa iyong moralidad.

Hindi ang mga asawa ang mag-iisip nito, pero ang mga tinuturing (o nag-iisip na sila ay) guardians (nag-aalaga) ng moralidad natin sa bansa.

Para naman sa mga sikolohistang katulad ko, mas mabuti na hindi mag­husga.

Mas Mabuti na tulungan ka naming­ maghanap ng maaaring mga dahilan na ikaw ay naaakit sa mga may asawa na at mas matanda pa sa iyo. Iilang mga sikolohista ay kaagad sasabihin na mayroon kang “father complex” dahil ang mga pinipili mong lala­ki ay may 2 katangian kagaya ng tatay mo: mas matanda sila ‘di hamak sa iyo at may asawa na sila: ang nanay mo. Nangyayari rin ito kung ang tatay ay nangaliwa at iniwan ang nanay para sa ibang babae. TO BE CONTINUED

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes at sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Panoorin siya sa Sex Talks with Dr Holmes sa streaming app HOOQ. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy