Una sa Balita

Tandem niratrat sa Zamboanga

By
0 506

PATULOY na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Zamboanga Police kaugnay sa pamamaril sa dala­wang lalaki makaraang tambangan ng riding-in-tandem, kamaka­lawa nang gabi sa Barangay Baluno, Isabela.

Nakilala ang nasawing biktima na si Junglay Yu, nasa hustong gulang, dating empleyado ng Small Town Lottery (STL) sa Basilan. Su­gatan naman ang kasama nito na si Jobert Nono, kapwa residente ng Isabela City.

Batay sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang mga biktima na pauwi na sana sa Isabela nang tambangan at pagbabarilin sa pagitan ng Barangay Baluno Isabela at Balagtasan La­mitan noong Miyerkoles nang gabi ng mga hindi pa nakikilalang riding-in-tandem.

Nagtamo ng sugat si Yu sa iba’t ibang bahagi ng katawan na na­ging sanhi ng agarang pagkamatay habang si Nono naman ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa leeg at kasalukuyang ginagamot pa sa pagamutan.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More