Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tandang nakaidlip sa himas ng bebot

0 164

TRENDING sa social media ang ginawang paghimas ng netizen na si Tess GV sa tandang kung saan ay unti-unti inantok ang manok at parang naalimpungatan nang biglang bumagsak ito sa sahig.

Sa post ni Tess GV ng video sa Twitter, may caption itong “someone’s so sleepy” umabot agad sa mahigit 1,200 views sa loob lang ng tatlong oras.

Gising na gising ang tandang habang nakatayo sa lamesa at nakaupo naman sa lamesa rin si Tess GV.

Related Posts

Naka-akbay si Tess GV sa manok at hinimas-himas nito ang tiyan at ilang segundo lamang ay biglang inantok ang manok at bigla itong napaluhod pero tumayo agad.

Isang netizen ang nakapanood at nagbiro itong kapag nakita niya sa sabungan si Tess GV ay iiwas siya dahil baka mahawakan nito ang kanyang manok at bigla rin antukin. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.