Una sa Balita

Tancontian, Manicad gold sa SEA sambofest

0 299

PINASIKLABAN ng Team Sambo Pilipinas ang mga karibal sa Timog-Silangang Asya sa naiuwing tig-2 gold at silver, at 1 bronze medal sa 2nd Southeast Asian Sambo Championships nitong Sabado, Hunyo 22 sa Bandung, Indonesia.

Pinangunahan ni Chino Tancontian ang maning­ning na kampanya ng Nationals sa pagsungkit ng gold tapos gapiin si Indonesian Fauji Rizki sa 82kgs sport mambo men’s division.

Gold din ang sinikwat din ni Patrick Manicad sa men’s 82kgs Combat ng isang araw lang na torneo.

Nakahamig naman ng silver sina Helen Aclopen at Jedd Andre Kim sa 52kgs women’s sport sambo at 74kgs men’s sport sambo, ayon sa pagkakasunod.

At ‘di nagpahuli si Patrick Dos Santos sa pagkubra ng bronze para kumpletuhin ang ragasa ng mga Pinoy.

“Itong competiton na ito parang test namin nang makita natin ang kakayahan ng team sa upcoming Southeast Asian Games,” saad ni Pilipinas Sambo Federation, Inc. secretary general Paolo Tancontian. ­(Myris Lee)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy