Una sa Balita

Tanaw-balik: Mga artistang nag-feeling Imelda Marcos

By
0 716

Dahil headline na ulit ang former First Lady Imelda Romualdez-Marcos, relevant na naman ito sa maraming Pinoy na noon pa man ay interesado sa mga balitang “anything ­Imelda Marcos.”

Noong nakaraang November 9 ay na-convict ang kasalukuyang nakaupong ­Ilocos Norte 2nd District Representative ng 7 counts of graft sa anti-graft court na Sandiganbayan.

Ang kasong graft ni Imelda ay related sa private organizations created in Switzerland habang government official siya sa Pilipinas mula 1968 to 1986.

Heto ang naging verdict ng 5th ­Division Clerk of Court kay Imelda:

“Wherefore, premises considered, this Court finds the accused guilty ­beyond reasonable doubt.”

Dahil sa mga balitang ito, balikan natin ang mga pelikula na may karakter ng former First Lady. Sino-sino nga ba ang mga aktres na gumanap na bilang ­Imelda Marcos?

 

GLORIA ROMERO
‘Pinagbuklod Ng Langit’ humamig ng mga award sa FAMAS

Dalawang beses na ginampanan ng Sampaguita star at Movie Queen Gloria Romero ang papel na Imelda Marcos sa mga pelikulang “Iginuhit Ng Tadhana: The Ferdinand E. Marcos Story” noong 1965 at “Pinagbuklod Ng Langit” in 1969.

Ang una ay dinirek nila Conrado Conde at Jose Villa mula sa panulat nina Luciano B. Carlos at Emmanuel Borlaza. Tungkol ito sa buhay ng nagsisimula pa lang sa mundo ng politics na si Ferdinand Marcos (played by Luis Gonza­les) at ang pagtatagpo nila ni Imelda Romualdez.

Kasama rin sa pelikula sina Rosa Mia at Vilma Santos bilang batang Imee Marcos. Lumabas din si Ferdinand Marcos as himself sa naturang pelikula.

Ang ikalawang pelikula ay dinirek ni Eddie Garcia at mula sa panulat ni Emmanuel Borlaza. Tungkol ­naman ito sa buhay na ng Marcos Family ­after the election at nakatira na sila sa ­Malacañang Palace.

Kasama pa rin sa cast sina Luis Gonzales as Ferdinand Marcos, Rosa Mia as Nana Sepa, Vilma Santos as Imee, Gina Alajar as Irene at Jojie Aranda as Bongbong Marcos.

Nanalo ng walong FAMAS Awards ang “Pinagbuklod Ng Langit” kasama na rito ang best picture at best director.

TESSIE TOMAS
Napansin ng Cable Ace Awards

Bagama’t nagsimula bilang isang stand-up comedienne si ­Tessie ­Tomas sa ‘80s comedy skit show na “Champoy,” buong ningning na ­ginampanan niya ang papel bilang Imelda Marcos sa Australian film na “A Dangerous Life” in 1988 na dinirek ni Robert Markowitz.

Tungkol ito sa kuwento ng isang TV journalist (played by Gary Busey) na nag-cover ng events ng People Power Revolution sa Pilipinas noong 1986 at ang pagbagsak ng Marcos regime.
Kinunan ang ilang eksena ng pelikula sa Manila, Sri Lanka at Australia.

Kasama rin sa TV-movie na ito sina Ruben Rustia as Ferdinand Marcos, Laurice Guillen as Cory Aquino, Cris Vertido as Doy Laurel, Joonee Gamboa as Juan Ponce Enrile, Rey Ventura as Fidel Ramos and Dina Bonnevie.

Dahil sa performance ni Tessie as Imelda, nakatanggap ito ng nomination mula sa Cable Ace Awards for best supporting actress.

Nakuha ni Tessie ang role na ­Imelda Marcos dahil sa naging successful na one-woman spoof show niya noon na “Meldita” sa Music ­Museum noong 1987.

Dahil sa “Meldita” ay napanalunan ni Tessie ang Entertainer of the Year sa Aliw Awards sa taong iyon. Tulad ni Imelda, waray din si Tessie dahil ipinanganak at lumaki siya sa Catbalogan, Samar.

 

TERESA LOYZAGA
Kuwela sa ‘Eskapo’

Sa isang eksena lang sa 1995 film na “Eskapo: The Serge Osmeña-Geny Lopez Story” ni Chito Roño lumabas ang character ni Imelda Marcos na ginampanan ni Teresa Loyzaga.

Eksena iyon sa isang burol ng ama ni Geny Lopez Jr. (played by Christopher de Leon) at dumating si Imelda para makiramay sa Lopez Family with matching bodyguards.

Nangako pa si Imelda na aayusin daw niya ang kaso ni Geny na isa sa kinulong sa Camp Crame noong i-declare ang Martial Law.

Para maging whimsical ang eksena at hindi madrama, kinunan ni Direk Chito si Imelda na pinaikutan ang casket ni Lopez habang nagsasaboy siya ng rose petals sa paligid nito.

Kasama rin sa “Eskapo” sina Richard Gomez as Serge Osmeña, Dina Bonnevie as Chita Lopez and Mark Anthony Fernandez as Gabby Lopez.

 

ALI SOTTO
Madrama sa ‘Maggie…’

Sa isang madramang eksena ng 1994 film ni Carlo Caparas na “The Maggie Dela Riva Story: God Why Me?” lumabas ang singer-actress-­radio commentator na si Ali Sotto bilang si Imelda Marcos.

Ito ay ang eksena kunsaan naki­usap ang isang ina ng isa sa convicted rapists ni Maggie (played by Dawn Zulueta) kay Imelda na maawa ito sa kanyang anak na ibibitay. Ina rin daw siya at ano ang magiging pakiramdam niya kung ang anak nito ang isasalang na sa electric chair?

Sinagot naman ni Imelda ang ina na kung alam din ba nito ang nararamdaman ng ina ni Maggie sa ginawa ng kanyang anak dito?

DINDI GALLARDO
Kahawig ni Imelda

Sa 2015 independent film na “Dahling Nick” ni Sari Raissa Lluch Dalena ginampanan ng beauty queen-turned-actress na si ­Dindi Gallardo ang role bilang Imelda Marcos.

Naging official entry ang “Dahling Nick” sa Cinema One Originals at isa itong documentary drama tungkol sa buhay at mga gawa ng National Artist for Literature na si Nick Joaquin.

Ang main conflict ng ­“Dahling Nick” ay ang pakiusap ni Nick kay President Ferdinand Marcos (played by Raymond Bagatsing) na tatanggapin nito ang National Artist Award kung palalayain nito ang isang journalist na kinulong noong Martial Law.

Marami nga ang nagsabi na kahawig ni Dindi si Imelda sa ­eksenang ‘yon. Parehong beauty queen sina Imelda at Dindi.

 

RUTHIE ANN MILES
American-Korean actress wagi ng award bilang Imelda

Sa Off-Broadway musical na “Here Lies Love” noong 2013 na tungkol sa buhay ni Imelda Marcos at kanyang rise and fall as a First Lady, gumanap na Imelda ay ang American-Korean theater actress na si Ruthie Ann Miles.

Nagsimula ito bilang isang concept album nila David Byrne and Fatboy Slim. Hanggang sa gawin na itong rock musical ni Alex Timbers at una silang nagtanghal sa The Public Theater in New York City.

Ang gumanap na Ferdinand Marcos ay ang Fil-American actor na si Jose Llana at bilang si Ninoy Aquino ay ang Fil-Am na si Conrad Ricamora.

Gumanap naman bilang Ferndinand Marcos si Mark Bautista sa London and Seattle production ng “Here Lies Love.”

Nanalo si Ruthie Ann Miles bilang Imelda ng Outstanding leading actress for “Here Lies Love” sa 2014 Lucille Lortel Award.