Una sa Balita

Tanaw-balik: Kilalanin mga artistang biktima ng mga palpak na hula

0 711

Ni Ruel Mendoza

Sa pagpasok ng 2019, may kanya-kanya na namang mga hula ang mga mahilig na tumingin sa kanilang crystal ball, tarot cards at ‘yung iba ay sa salamin o tubig.

Lalo na sa showbiz, maraming nag-aabang sa mga magiging hula sa kanilang mga paboritong celebrity.

Minsan ay nagkakatotoo at minsan ay sablay ang mga hula sa mga artista.
Kaya balikan natin ang mga naging hula ng ilan sa showbiz nitong 2018. Nagkatotoo ba sila o hindi?

JOHN LLOYD, ELLEN MAGKA­­KAROON NG BEACH WEDDING

Naghintay ang mga fan ni John Lloyd Cruz sa hinulaang beach wedding nila ni Ellen Adarna. Pero patapos na ang taon ay walang naganap na beach wedding.

Usap-usapan ay kinasal nga raw sina JLC at Ellen, pero secret wedding ito sa Quezon City lang ginawa. Pinost na raw ni JLC sa Instagram ang wedding ring na suot nila ni Ellen, pero mabilis niyang inalis ito sa IG.

Kaya pahulaan pa rin kung totoo bang kinasal o hindi ang dalawa?

SECOND MOVIE NG ALDUB MAGIGING BIG BOX-OFFICE HIT

Ilang beses nang pina-press release ang second movie ng AlDub loveteam nila Alden Richards at Maine Mendoza after ng Imagine You & Me noong 2016. Binalita na isu-shoot daw ito sa Amerika. Meron naman nagsabi na dito lang sa Pilipinas gagawin.

Pero patapos na ang taong 2018 at walang nagawang ikalawang movie sina Alden at Maine. Naging busy kasi si Alden sa telefantasya na Victor Magtanggol at si Maine lang ang gumawa ng pelikula with Vic Sotto and Coco Martin na Jack Em Popoy: The Puliscredibles na isa sa mga top-gros­ser ng 2018 Metro Manila Film Festival.

WILLIE REVILLAME MARAMING TATANGGALIN SA ‘WOWOWIN’

Nagkatotoo naman ang hulang ito dahil kalagitnaan ng 2018 ay pinalitan ni Willie Revillame ang kanyang mga host na sina A­riella Arida, Ash Ortega, Camille Angelica Canlas, Jannie Alipo-on, Patricia Tumulak at Nelda Iba.

Pinalit sa kanila sina Le Chazz, Kim Idol, Petite with Miss Philippines Earth 2018 Celeste Cortesi, 2018 Miss Eco Tourism Philippines Halimatu Yushawu, Kelley Day at Su­gar Mercado.

LIBRO NI MARK MAHAHARANG ANG PAGLABAS

Naging kontrobersyal ang laman ng manuscript pa lang na tell-all memoir ng singer na si Mark Bautista na Beyond The Mark kaya may magsasampa raw ng TRO or Temporary Restraining Order para hindi mailabas ang naturang libro.

Pero mali ang hula dahil nai-release ang libro at doon na inamin ni Mark na isa siyang bisexual at may nakarelas­yon siyan­g isang guy na taga-showbiz din. Hindi naman ito pinangalanan ng singer.

Marami naman ang humanga sa pag-out ni Mark at hanggang ngayon ay maganda pa rin ang takbo ng career niya.

HEART, CHIZ MAGKAKAROON NA NG BABY

Bahagyang tama naman ang hula dahil sa early part ng 2018 ay nabuntis si Heart, hindi lang sa isa kundi twin babies pa.

Pero nakakailang buwan pa lang ang kambal sa tiyan ni Heart ay parehong nawala ito sa kanila ni Chiz.

Ilang week din daw na dumaan sa depression si Heart sa pagkawala ng mga babies nila. Pero nga­yon ay balik sa pagiging aktibo si Heart sa showbiz ay may sarili pa itong vlog na ikinatutuwa ng maraming tagahanga niya.

DINGDONG DANTES WALA MUNANG KASUNOD NA BABY, TATAKBO SA 2019

Naging mali ang hula na ito kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes dahil muling nabuntis ang misis niyang si Marian Rivera sa second baby nila at nagdesisyon na ito na ipagpaliban ang pagpasok sa politics.

Ayon kay Dong, gusto niyang tumutok muna sa paglaki ng pamilya nila ni Maria­n at marami pa raw pagkakataon na mapasok niya ang pagsilbi sa maraming tao.

Kasalukuyang napapanood si Dingdong sa primetime teleserye na Cain At Abel ng GMA-7.

PIA, MARLON MAGHIHIWALAY NA

Ito ang matagal nang pinag-uusapan simula pa noong pagpasok ng 2018. Pero mali ang hula dahil stronger than ever ang pagsasama nila Miss Universe 2015 Pia Wurtz­bach at Marlon Stocki­nger.

Nagsalita na ang dalawa tungkol sa pag-unfollow nila sa isa’t isa sa social media. Mas nakatulong daw iyon para magkaroon sila ng kanya-kanyang identity.

Magkasama nga ang dalawa sa naganap na ABS-CBN Ball at sa kunsaan-saan pang events sa Pilipinas at sa ibang bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy