Una sa Balita

Tanauan Mayor inilibing na; 100 pulis ipinakalat

By
0 2,526

INILIBING na kahapon ang napatay na si ­Tanauan, Batangas Mayor Antonio “Tony” Halili.

Isinagawa ang funeral mass sa Saint John the Evangelist (SJE) Parish Church bandang alas-­otso kahapon ng umaga at dinala ang mga labi ni Mayor Tony sa Tanauan City Hall para sa public viewing. Alas-tres ng hapon siya inilibing.

Dahil sa mga nasabing aktibidad ay isinara pansamantala ang kalsada mula SJE Parish Church hanggang sa city hall mula alas-nuwebe hanggang alas-11:00 kahapon.

Samantala, mahigit 100 pulis ang ipinakalat para sa pagmo-monitor sa mga nakipaglibing.

Ayon kay Calabarzon (Cavite, Laguna, Bata­ngas, Rizal, Quezon) Police Regional Office (PRO) regional director Edward Carranza, nakaalerto ang kapulisan upang masiguro na ligtas ang mga nakikiramay at maghahatid sa huling hantungan ng nasawing alkalde.

Si Halili ay binaril ng isang ‘sniper’ noong ­Hulyo 2 habang nagaganap ang flag ceremony sa city hall.