Una sa Balita

Tan, Gokongwei, Villar biggest loser sa negosyo

By
0 1,036

NALUGI ng tinatayang $3.4 bilyon ang 12 pa­ngunahing bilyonaryo sa bansa noong nakaraang buwan dahil sa pagsadsad sa halaga ng piso kontra dolyar at ng kanilang stocks.

Dahil sa pagkalugi, bagsak ang net worth ni Lucio Tan sa $3.5 bilyon noong June 30, kumpara sa $4.2 bilyon net worth niya noong Mayo 30 kaya’t nasa ikalimang puwesto na lang ito sa listahan ng Forbes magazine.

Nawalan naman ng $600 milyon ang ikalawang pinakamayaman sa bansa na si John Gokongwei kaya’t $4 bilyon na lang ang net worth nito noong nakaraang buwan.

Ang ikatlong biggest loser na si real estate magnate na si dating Senador Manny Villar, mula $4.1 bil­yon noong Mayo ay bumaba sa $3.6 bilyon ang kanyang net worth noong Hunyo, o 13 percent na pagbaba ng yaman.

Nanatiling ikatlong pinakamayaman ang ports and casino billio­naire na si Ricky Razon, may net worth na $3.6 bilyon kahit nalugi ng $300 milyon.

Nananatili pa ring pinakamayaman sa bansa ang shopping mall magnate na si Henry Sy kahit na bu­maba din ang kanyang net worth. Mula $18.1 bilyon noong Mayo, bumaba sa $17.9 bil­yon ang kanyang yaman nitong Hunyo o 1.1 percent na pag­kabawas.