Una sa Balita

Tamiya jeep bumiyahe na

0 387

Bilang pagkilala sa iconic public transportation ng Pilipinas, sinimulan na ng Tamiya ang pagbebenta ng pangarerang laruan na hango sa jeepney.

Ginawa ito ng Japanese toymaker Tamiya sa pakikipagtulungan sa kanilang Filipino exclusive distributor.

Ang pangarerang jeepney ay mabibili sa kulay pulang modelo na may malalapad na gulong.

Ayon sa pinost ni Lourd De Veyra, ang ‘Dyipne’ ay exclusive na binebenta ng Lil’s Hobby Center at ng Brickyard.

Ginawa ito ng Tamiya bilang pagkilala sa tinaguriang hari ng kalsada ng Pilipinas.

Itinaon din ito dahil sa paparating na 4WD Asia Cup 2019 na gaganapin sa Glorietta ngayong Hunyo 20-23.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy