Una sa Balita

Tambay pa more si Curry

By
0 310

LIMANG laro pang mawawala si Golden State guard Stephen Curry habang nagre-recover mula left groin strain.

May re-evaluation si Curry makalipas ang 10 araw, ayon sa pahayag ng team Miyerkoles ng hapon.

Hindi maglalaro pero kasama si Curry sa biyahe ng Warriors sa Texas.

May three-game road trip ang Golden State, una kontra Houston ngayong araw. Sunod ang Dallas sa Sabado (Linggo sa Manila) bago hahamunin ang San Antonio kinabukasan.

Nov. 8 nang abutin ng injury si Curry sa 134-111 loss ng Warriors sa Milwaukee Bucks. 2-1 ang Golden State sa tatlong larong wala ang two-time MVP.

Sa ibinigay na timetable, pinakamaagang posibleng balik ni Curry sa Nov. 24 kapag ini-host ng Warriors ang Sacramento Kings sa Oracle Arena.

Bago ang injury ay naga-average si Curry ng 29.5 points, 6.1 assists at 5.0 rebounds sa 12 laro.

Naka-51 regular-season games lang noong nakaraang season si Curry, 30, dahil sa left knee injury at sprained right ankle. Bumalik siya mula knee injury sa Game 2 ng Wes­tern Conference semifinals matapos maupo sa buong first round ng playoffs.