Una sa Balita

Tambay dadami kapag sinara ang ABS-CBN

0 435

Ang bantang pagpapasara ng ABS-CBN ay hindi lamang usapin ng pagpigil sa karapatang pamamahayag, banta rin ito sa kabuhayan ng libo-libong pamilyang Pilipino.

Bukod diyan, ito rin ay banta­ sa libo-libong konsyumer, ayon kay Louie Montemar, Convenor ng Bantay Konsumer, Kuryente, Kalsada (BK3).

Ayon kay Montemar, nasa 6,730 regular na empleyado ang mawawalan ng trabaho kapag biglang nagsara ang nasabing kompanya.

“Kung tutuusin ang mga pamil­yang maaring tamaan ay hindi bababa sa mahigit 60,000 tao na direktang apektado. Ito ay isang malubhang usaping pangkabuhayan at pang-ekonomiya,” paliwanag niya.

Sa mas malawakang pagtanaw, sabi ni Montemar, makikita rin ito ng mga namumuhunan bilang tanda na walang kasiguruhan sa pagnenegosyo sa bansa dahil sa mga regu­lasyon ay basta na lamang mapupurnada dahil sa napakapersonal na pagdedesisyon ng nakaupo.

Ipinahahatid ng BK3 ang pagsuporta sa panawagan ng mga emple­yado ng ABS-CBN at milyon-milyong tagapagtangkilik nito na bumubuhay sa industriya.

“Ipakita natin ang ating suporta sa ABS-CBN,” ayon sa grupo, “Ipaabot sa liberato ng adminstras­yon na tutol tayo sa hindi makatarungang pag-abuso sa kapangya­rihan ng gobyerno. Ipaglaban ang malayang pamamahayag! Trabaho hindi paghihiganti!,” dagdag ni Montenar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More