Una sa Balita

Tamayo, Quimbao, NU lumapit sa Juniors title

By
0 386

PATULOY na dinodomina ng National University Bullpups ang defending champion­ Ateneo Blue Eaglets matapos sakmalin ang 70-58 panalo sa Game 1 ng UAAP 81 Juniors Basketball Tournament finals kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagsanib puwersa­ sina Carl Tamayo at Kevin Quiambao upang mamuro ang Bullpups sa pagsilo ng korona.

Nagtala si Tamayo ng 15 points at 12 rebounds habang kumana si Quiambao ng 14 markers at 13 boards.

Tatlong beses nang tinatalo ng NU ang Eaglets ngayong season, dalawa sa elimination round.
Nakipagsabayan sina Tamayo at Quiambao sa twin towers ng Blue Eaglets na sina Kai Sotto at Geo Chiu para maging matatag sa second half.

“Medyo nagmamadali kami sa execution sa first half,” saad ni head coach Goldwin Monteverde.
Tsansa ng Bullpups na maibalik sa kanila ang korona sa Biyernes sa Game 2. Huling hinawakan ang titulo noong 2016.

“We still have to be consistent. ‘Di pa tapos,” ani Monteverde.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy