Tamayo: Nagkamali ang NCAA

By

Inihayag ni Perpetual Help CEO and president Antonio Tamayo kahapon na nagkamali ang NCAA sa pagpayag nilang ituloy ang laro sa pagitan ng Perpetual Help at St. Benilde noong Martes kahit alam nilang maling kulay ang uniporme na suot ng Altas.

“They were wrong to allow our team to play and penalized us twice by slapping us a technical foul and gave the other team a free throw before the game started and then forfeit it later,” saad ni Tamayo. 

Ayon pa kay Tamayo, dapat ay payagan ng NCAA si league commissioner Arturo “Bai” Cristobal na magdesisyon sa nasabing aberya.

“The league should empower Commissioner Bai Cristobal and let him decide anything related to basketball matters,” giit ni Tamayo. “I believe they should not forfeit the game under the process undertaken by the commissioner.”

Umapela ang Perpetual Help noong Miyerkules, nais nilang manatili ang 69-65 victory nila sa College of Saint Benilde.

Kasalukuyang pinag-uusapan ng Management Committee members sa pangunguna Fr. Glyn Ortega, OAR, ng host San Sebastian sa isinagawang emergency meeting upang mahanapan ng magandang solus­yon ang nasabing issue.

Nagkaroon ng forfeiture matapos isuot ng Altas ang dark maroon uniform na dapat ay puting jersey.

Forfeited din ang laro ng Perpetual help at LSGH sa juniors division.

Aminado naman si Tamayo sa kanilang pagkakamali kaya dapat ay hindi na tinuloy ang laban at tanggapin ang kanilang pagkatalo via default.

SHARE