Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tamayo garahe sa ankle sprain

0 28

HINDI sigurado kung makakalaro pa si Carl Tamayo sa huling laban ng Gilas Pilipinas kontra sa karibal na South Korea ngayong araw sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga.

Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin na ang isa sa mga big man na si Tamayo ay nagtamo ng Grade 1 ankle sprain sa laban ng national squad kontra Indonesia Biyernes ng gabi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Carl apparently has Grade 1 sprain. It’s not overly serious but he’s in pain. He still feels pain in the ankle,” sabi ni Baldwin sa post game interview matapos ang ikalawang sunod na panalo ng Gilas Pilipinas sa ikatlong window at ikalima sa kabuuan sa ginaganap na qualifier.

Ang 6-foot-8 na si Tamayo ay nagtamo ng injury matapos matapakan ang paa ni Indonesia point guard Arki Wisnu sa huling yugto kung saan abante ang host team sa 76-51. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.