Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tama na politika, balik trabaho tayo – Romualdez

0 75

Ngayong tapos na ang eleksiyon, panahon na upang isantabi ang politika, bangayan o ang pagkakawatak-watak sa halip ay magkaisa nang tumutok sa trabaho para sa sambayanang Pilipino.

Ito ang panawagan ni Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso.

“Tapos na ‘yong eleksiyon, tapos na ‘yong politika. Magtrabaho na tayong lahat, magkaisa na tayong lahat, isang bansa, isang Pilipino. Lahat-lahat tayo para sa Pilipino,” panawagan ni Romualdez.

Tinuring nito ang Kamara na kinatawan ng sambayanang Pilipino kung kaya’t kailangan nang kumilos at magtrabaho para sa bawat Pilipino.

“The House of Representatives is the house of the people and we have to serve the people particularly in this time of the pandemic. We hope that we will be reaching the endemic stage but we have to reinvigorate and restart the economy for livelihood, jobs, and of course for the education and health of every Filipino,” dagdag ni Romualdez

Si Romualdez na muling nahalal sa katatapos na eleksiyon ay suportado at inindorso na ng malalaking partidong politiko bilang Speaker ng magbubukas na 19th Congress. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.