Una sa Balita

Talunang senatoriable, may walong bodyguard kung umebak

0 2

Normal na sa isang pulitiko ang magkaroon ng maraming bodyguard kunsaan palagi silang nakabuntot kahit saang lupalop tumungo ang kanilang binabantayan.

Subalit kakaiba ang ginagawang pagbabantay ng mga bodyguard ng isang pulitiko na minsang tumakbo sa pagka-senador subalit kumain ng alikabok matapos ang halalan.

Pasintabi lang sa nag-aagahan, nagmemeryenda o nanananghalian habang nagbabasa ng artikulong ito dahil sadyang nakakasuka ang kuwento ng talunang kandidato sa pagka-senador.

Napasabak daw kasi sa kainan ang pulitikong ito nang mapadpad sa isang five-star hotel sa Lungsod ng Makati kamakailan.

Ang masaklap nito, nag-away yata sa tiyan ang mga kinain ng pulitiko kung kaya’t kinailangan niyang magbawas sa comfort room ng five star hotel.

Alam nyo bang ipinasara ng pulitiko ang CR ng hotel upang eksklusibo niyang magamit sa kanyang pag-ebs.

Upang hindi mahalata na may mabantot na ginagawa ang pulitiko, pinalagyan ng karatulang ‘under maintenance’ ang CR upang sa gayon ay hindi magtaka ang mga hotel guest kung bakit sarado ang palikuran.

Ang pagkakamali ng kumag, hindi kapani-paniwala na under maintenance ang CR dahil nakabantay sa labas ng pinto ang apat na Ro­gelio este bodyguard.

Malas naman ang apat pang bodyguard ng pulitiko dahil sa loob ng CR sila nagbantay kung kaya’t langhap nila ang pagpapasabog ng kanilang amo.

Higit kalahating oras din daw nagtagal sa CR ang pulitiko bago ito lumabas at patay-malisya sa kalbaryong pinagdaanan ng tangha­ling iyon sa hotel.

Mahuhulaan nyo ang pangalan ng talunang kandidato sa pagka-senador dahil nasangkot din ito sa pagpapalayas ng mga kasabay sa ele­vator. May letrang S sa kanyang pangalan as in Singhot.