Una sa Balita

Talunang politiko 1 buwan nagkulong sa 5-star hotel

0 515

SINO raw itong da­ting lokal na opisyal ng gobyerno ang nagkulong ng isang buwan sa 5-star hotel matapos na matalo sa nakaraang halalan?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na hindi na raw umuwi sa kanilang mansyon ang politiko matapos ang masaklap na pagkatalo sa nakaraang halalan bagkus ay namalagi na lang sa magarang hotel sa Metro Manila.

Hindi raw matanggap ng politiko na pati na ang kadugo ay hinudas siya sa nakaraang halalan.

Nakarating sa impormasyon ng matandang politiko na hindi raw siya isinama sa sample ballot ng kanyang anak bagkus ay ang kalaban niya sa halalan kaya’t natalo ito ng mala­king boto.

Nagtataka naman ang mga supporter ng talunang politiko kung bakit inabot ng isang buwan ang pananatili nito sa hotel.

May usap-usapan kasing binibisita ito ng kanyang kabit sa hotel upang paligayahin ang politiko sa gitna ng pagdurusa.

Pintahan n’yo na. Ang politiko na nagkulong ng higit isang buwan sa 5-star hotel matapos matalo sa eleksyon ay may kinakaharap din na graft case. May letrang B sa kanyang pangalan as in Babad sa hotel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy