Una sa Balita

Talunang Metro Manila politician sasabit pa sa plunder case

0 425

DEO MACALMA

Alam niyo bang isang politiko sa Metro Manila na natalo sa katatapos na eleksyon ang posible pang maharap ngayon sa kasong plunder?

Ayon sa aking bubwit, tila minalas talaga ang long-term politician na mukhang hahabulin pa ng multo ng mga kaduda-duda n’yang proyekto at programa na hinihinalang maanomalya.

Ang masaklap nito, sabi ng aking bubwit, mukhang kasama sa mga magbabagsak ng bomba laban kay politician ay mga dating malalapit sa kanya na pinaglalagay n’ya sa magagandang puwesto sa city hall gayundin ang mga dating opis­yal at staff sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang panlungsod.

Masakit ito Mr. Politician, ang ilaglag ng mga mismong taong pinagkatiwalaan at pinakinaba­ngan mo nang matagal na panahon ay walang ka­sing sakit. At dahil kilala o tukoy na malalapit sila sayo ay credible o kapani-paniwala ang ibubulalas nila laban sa dati nilang amo.

Serye ang impormas­yong hawak ng aking bubwit laban kay politician na nagsimula sa desis­yon ni politician at ng asawa n’yang politician din na mag-relax muna sa abroad matapos silang ma-wipeout sa katatapos na eleksyon. Kahit ang bayaw ni politician na sikat na miyembro ng kongreso ay natalo rin.

Pero kahit hindi pa tapos ang termino ni politician sa city hall ay naghakot na ng mga gamit at kasama sa sinasabing tinangay n’ya ay mahahalagang kagamitan o property ng city hall, at dahil sa dinamdam na pagkatalo ay pinabayaan na ang pamamalakad sa city hall.

Isa sa nalantad na kalokohan ni politician ay ang kanya umanong tongpats sa uniporme, sapatos at school supplies na pinamimigay ng city hall sa mga batang mag-aaral ng lungsod kapag pasukan. Sabi ng aking bubwit, hindi biro ang halaga ng tongpats na pinag-uusapan ditto.

Ang politician sa Metro Manila na posibleng maharap sa plunder case at mukhang ikakanta ng mga dati n’yang pinagkatiwalaan ay si Politician E as in Eustaquio.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy