Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Talon ni Guinto sa RoS aprub na

0 186

INAPRUBAHAN ng PBA noong Miyerkules ang palitan sa pagitan ng Rain or Shine at NorthPort na magdadala kina Sidney Onwubere at Clint Doliguez sa Batang Pier habang makukuha ng Elasto Painters si Bradwyn Guinto.

Ang kasunduan ay isinumite sa PBA trade committee noong Lunes kung saan makukuha ng Elasto Painters si Guinto na inaasahan nitong magdadagdag ng taas sa kanilang frontline sa unang nakumpletong palitan ngayong 2021.

Bentahe sa Batang Pier na nakakuha ng batang manlalaro kina Onwubere at Doliguez matapos ang malakas na pagpapakita ngunit napuno din ng injury sa bubble tournament nakaraang taon.

Si Guinto ay sumabak sa aksyon sa siyam na laro para sa NorthPort kung saan nag-average ito ng 2.22 puntos at 1.78 rebounds sa loob ng 10 minutong paglalaro.

Sasama si Guinto sa frontcourt ng Rain or Shine na binubuo ni Beau Belga bagaman kuwestiyon ang kalusugan nito matapos na maupo sa isang bilang ng laro dahil sa injury kahit noong 2019.

Nagpakita naman si Onwubere ng maraming pangako kasama ang Rain or Shine, na nag-average ng 5.73 puntos at 3.55 rebounds habang naglalaro sa lahat ng 11 laro noong nakaraang komperensiya.

Si Doliguez ay isa sa mga rookie ng Rain or Shine sa kampanya noong nakaraang taon. Naglaro ito sa anim na game at nag-ambag ng 4.17 puntos noong nakaraang taon. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.