Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Talo sina Bea, Regine: Maymay paboritong kachika pa rin ni Edward

0 248

Kung ano-ano na nga ang naglabasan tungkol kina Edward Barber at Maymay Entrata, na kesyo kaya ayaw nang makipagbalikan ng huli sa una ay dahil may trauma nga ito.

Na kesyo nahuli nga raw ni Maymay si Edward noon na may kasamang ibang babae.

Pero, ano na ba talaga ang sitwasyon nila ngayon matapos lumabas ang mga chika?

“Maymay and I are completely honest with everything that we have. Kung ano `yung nakikita niyo rito, kung ano `yung naririnig niyo rito, ‘yun ang totoo. People are gonna try to twist it. Or say their opinion. God bless them. Basta you know from me, or you know from Maymay, kung sino kami talaga, how we are together, how solid we are together, how content we are together.

“’Yung phase na meron doon, cannot be shaken. ‘Yung foundation of that friendship, of that relationship, and people are trying to shake it up, and that’s okey. Basta people are actually… who care, the people who might be a little bit confuse at the moment, just believe me when I say, we want to be completely as open, this is who we are. And we’re happy wit this. You can smile with us, travel with us,” sey ni Edward.

Anyway, puring-puri nga ni Maymay si Edward, dahil bongga nga ang mga nai-interview nito para sa ‘Kuwentong Barber’ na show. Imagine, may Regine Velasquez at Bea Alonzo na itong naka-chikahan.

Pero sabi niya, “You are at the top of that list, at salamat.”

Yes, si Maymay pa rin daw ang pinaka-fave niya sa lahat nang naka-chikahan niya. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.