Una sa Balita

Tallo, Tiongson, Uyloan, Monfort pasasa sa suspendidong Ravena

By
0 870

Mula nang mawala si Kiefer Ravena, naghanap ang NLEX ng aako sa nabakanteng puwesto sa point.

Doble black eye ang inabot ng Road Warriors dahil out na rin sa season ang backcourt partner ni Ravena na si Kevin Alas (ACL).

Hinugot ni coach Yeng Guiao mula sa free agency si Mark Tallo para magkaroon ng dagdag sa rotation ng guards.

Pasiklab agad si ­Tallo ng 11 points, 3 assists, 3 steals at 2 blocks sa loob ng 19 minutes sa unang salang nang matisod ang NLEX sa Alaska, 120-111, noong Hunyo 15.

Dating naglaro sa TNT si Tallo bago inabot ng latent tuberculosis at kinailangang magpahinga.

“Two months din akong nagpahinga, bed rest habang nag-me­dication,” anang 6-foot Cebuano. “Pagkatapos nu’n, nag-practice, pero sa umpisa wala pa sa kondisyon.”
Humaba rin ang minuto nina Juami Tiongson, Emman Monfort at si Jonathan Uyloan sa pagkawala nina Ravena at Alas.

“Next man up,” sabi ni Guiao sa kanyang guards, kailangang handang rumesponde kapag tinawag.

Sa tatlo ay si Tiongson ang may pinakamahabang exposure, halos 30 minutes sa loob para manduhan ang atake ng Road Warriors.