Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tallo angat sa shootout

0 73

PINAMUNUAN ni Mark Tallo ng Cebu Chooks ang apat katao na nakapagkuwalipika sa kampeonato ng shootout competition ng ginaganap na 2022 FIBA 3×3 Manila Masters sa Ayala Malls Manila Bay sa Paranaque.

Nagtala si Tallo ng kabuuang 7 mula sa posibleng 10 puntos sa 25.68 segundo habang pumangalawa si Jesse Wagstaff ng Melbourne na may 7 puntos din sa 26.81segundo.

Nagkuwalipika din ang Fiipino Japanese na si Tatsuhito Norog ng Yokohama na may 7 puntos matapos nitong makumpleto ang dalawng rack na shootout sa 30.00 segundo habang ikaapat naman si Chris McIntosh mula sa Auckland na may 6 puntos sa 29.33 segundo.

Nakataya sa shootout competition na parte sa ginaganap na EIA 3×3 Manila Masters ang premyong US$500 o P25,000 sa tatanghaling kampeon. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.