Una sa Balita

Talisay jail nirapido

By
0 108

Nirapido ng bala ng Armalite ng riding-in-tandem ang entrance gate ng Talisay City Jail sa Cebu.

Ayon kay Talisay City Jail chief Gil Enopia, may duda ito na ang pamamaril ay may kaugnayan sa ipi­natutupad nilang hakbang sa piitan gaya ng mahigpit na pag-iinspeksyon sa mga selda at paghihigpit na rin sa mga dalaw.

Napag-alaman na bigla na lamang dumating ang magkaangkas na lalaking kapwa naka-bonnet sa isang motorsiklo at huminto sa harapan ng piitan sa Barangay Maggahaway saka nagpaputok ng maraming beses bago tumakas.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa insidente.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente kasabay ng tinodo pang paghihigpit sa nasabing kulungan. 

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More