TALBOG!!!: Vilma, ‘APRUB’ sa Luis-Jessy relasyon!

Ate Vi, gusto nang umakting sa TV!

By

Dinalaw namin noong Lunes ng hapon ang kasalukuyang kinatawan ng lone district ng Lipa na si Congresswoman V­ilma Santos-Recto sa kanyang tanggapan sa Batasan complex.

Nadatnan namin si Cong. Vilma na aba­lang nirerepaso ang mga dokumento ng mga dadaluhan niyang mga c­ommittee hearings.

Sa ilang buwan n­iyang panunungkulan bilang Kinatawan ng Lipa ay marami na siyang natutunan tungkol sa pagpapasa ng mga batas na malayo sa mga serbisyong ginagawa niya noong nanunungkulan siya bilang Gobernador ng Batangas.

Pero hanggang ngayon ay Gobernador pa rin ang turing sa kanya ng mga B­atangueno at kailangan pa raw n­iyang ipaalala sa kanila na siya ay Congress­wo­man na.

Kaya nga tinanong namin siya kung babalikan niya ang pagiging Governor ng Batangas. Wala raw sa isip niya ang mga bagay na ‘yan lalo na na nga­yon pa lang siya nag-umpisa bilang lawmaker sa guidance pa rin ng asawa na si Senator Ralph Recto.

Hindi pa rin mahiwalay ni Ate Vi ang pagiging artista. Updated siya sa mga showbiz chismis at araw-araw ay 11 tabloids ang kanyang binabasa.

Kung may time ay nanonood din siya ng mga teleserye at kung may panahon nga lang daw siya ay gustong-gusto niya na makaarte na rin sa mga teleserye.

Ngayon ay may panahon siyang gumawa ng pelikula kumpara noong Gobernador siya. At least isa raw a year at kailangang magandang script at gusto niya ang story. Nanghihinayang nga siya na hindi niya matanguan ang pro­ject na in-offer sa kanya noong June ni Direktor Mike de Leon na isang p­eriod mo­vie tungkol sa buhay ni Dona Sisang dela Leon ng LVN Films. Hindi pa raw kasi niya alam ang schedules niya since katatapos lang ng eleksyon at hindi pa siya nakakaupo bilang Congresswoman ng Lipa. Hindi raw niya alam kung itinuloy ito kahit hindi siya ang gaganap.

Once a week ay nagkikita sila ng anak niyang si Luis Manzano at kaya updated siya sa nangyayari sa anak. Ang papel daw niya kay Lucky ay payuhan ito sa lahat ng bagay pero hindi niya pinakikialaman ang mga desisyon ng anak at buhay nga naman niya iyon.

Alam daw niyang lahat ang mga rason sa mga break-up ng anak pero hindi niya puwedeng ikuwento ito. Okay naman daw ang kasalukuyang karelasyon ni Lucky na si Jessy Mendiola at happy daw naman ang dalawa sa nakikita niya.


Ikinuwento ulit ni Ate Vi ang mga problemang pinagdaanan niya noong nagkalubog-lubog siya sa utang sa BIR at sa mga loans sa bangko na dumating sa point na ilang bahay at mga lupain ang nai­lit ng bangko.

Sa tulong nina Manay Ichu Maceda at Atty. Esperidion Laxa ay nabayaran ang mga utang. Subsob daw siya sa trabaho noon at lahat ng kinita niya ay diretso lahat sa mga utang niya at tanging ‘yung kinikita niya sa TV show ang nahahawakan lang niya.

Kaya natuto raw siyang humawak ng pera at ‘yan ang tinatamasa niya ngayon. Living comfortably na raw siya ngayon at hands-on sa lahat ng mga gastusin nila sa bahay lalo na nung mawala ang girl Friday niyang si Aida Fandalian na namatay ilang taon na ang nakakaraan.

Kung noon ay si Aida lahat ang nakakaalam ng mga pinansyal niya, siya na ngayon lahat pati ang pamamalengke ay monitor niya at kaya alam niya ang mga galaw ng mga presyo ng mga pinamimili nila.

Naitanong nga namin kay Ate Vi kung may panahon pa siyang makipag-lambi­ngan noong panahong namomroblema siya sa mga pinansyal niya. Meron naman daw, sabay halakhak niya.

‘Yan si Ate Vi na kahit kailan ay hindi nagbago at hindi mo mararamdaman na siya ay isang mataas at sikat na personali­dad. Maganda pa rin si Ate Vi sa edad n­iyang 63 na very energetic pa.


SHARE