Una sa Balita

TALBOG!!!: VALERIE, PABALIK-BALIK SA GUAM DAHIL SA BOYLET

By
0 4

Balik-teleserye sa GMA si Vale­rie Concepcion na matagal na naming hindi nakikita. Freelance si Valerie kaya napapanood siya sa iba’t ibang network.

Taga-Guam pala ang bagong boyfriend ni Valerie kaya madalas siyang bumisita roon. Isang Pinoy na US citizen ang boyfriend ni Val at base nga sa Guam kaya madalas siya ang bumibisita dahil may trabaho ito roon.

Pero ngayon na may teleserye na siyang muli ay ang boyfriend naman ang bibisita sa kanya once a month dito sa Pilipinas. Hindi pa rin sure si Valerie kung ito na ba ang makakasama niya habang-buhay.

Hangga’t wala pa raw wedding ring ay hindi niya masabi ito. May anak na si Val habang ang boyfriend ay may 8-year-old son na parehong walang asawa.

Handa naman iwan ni Valerie ang showbiz kapag nagpakasal na siya. Sigurado na sa Guam sila maninirahan.

Si Tuka na dating ginampanan ni Marissa Sanchez ang role niya sa Mulawin vs. Ravena.

BAKASYON GRANDE NA!

Umpisa na ng bakasyon grande ng cast ng Bubble Gang at Pepito Manaloto dahil marami na silang materiales na ginawa nila sa napakaraming advance tapings.

Magbabakasyon kasi si Michael V. kasama ang pamilya at magkakaroon na rin ng chance na magbakasyon ang ibang cast na wala namang ibang project.

Si Nova Villa ay hindi puwedeng umalis dahil kasama rin siya sa cast ng Mulawin vs. Ravena at natutuwa si Tita Nova na nakasama siya sa bonggang-bonggang cast ng Mulawin vs. Ravena. Kaya wala siyang chance na mabisita ang anak na nasa Amerika.

Si Angel Satsumi na matagal nang cast sa Pepito Manaloto ay sa Japan magbabakasyon para makapiling ang amang negos­yante roon although may trip din siya sa Amerika.

Si Jake Vargas naman ay matutuloy ang balak nilang bakasyon kasama ang girlfriend na si Inah de Belen na hanggang May 17 na lang ang taping ng Encantadia.