Una sa Balita

TALBOG!!!: VALEEN, ‘DI NAGPAKABOG SA KASEKSIHAN NI KIM DOMINGO!

By
Kim at Valeen
0 10

Halos apat na araw akong nag-stay sa Pradera Verde Water Park and Golf Course sa Lubao, Pampanga, dahil doon ginanap ang Summer Episode ng Bubble Gang.

Bilang publicist ng longest running gag show ay tumutulong na rin ako sa nasabing taping, at ­medyo napagod ako dahil sa init tuwing umaga at lalo na sa tanghali. Kaya pag-uwi ko sa room ko ay ay ramdam ko ang kapaguran.

Wala namang naging problema sa taping ­dahil full support ang management sa Pradera Verde. ­Ibinigay nila ng 100% ang mga pangangailangan ng taping.

Abante Hiring – IT dep

Sa pagkain lang ng tatlong beses plus ‘yung mga snacks mula umaga hanggang midnight ay bumubuhos na parang naranasan ko sa Star Cruise Virgo noong nag-taping doon ang Pepito ­Manaloto.

Sabi nga ng ibang production staff ay ­ganadung-ganado at mabilis kumilos ang mga taga- engineering o in-charge sa mga equipment dahil kuntento at busog na busog sila sa mga pagkain doon.

Bukod sa regular cast ng Bubble Gang ay ­naging panauhin ang Meant To Be boys na sina Ivan Dorschner, Ken Chan, Addy Raj. Ka-join din si Sinon Loresca aka Rogelia na kinagigiliwan ng lahat.

Si Jak Roberto naman ay regular ng Bubble Gang, kahit nasa Meant To Be siya. Nandun din sina Jay Arcilla, Mikoy Morales at Archie Alemania na mukhang mga semi-regular na sa show.

Kinaaliwan din ng marami si Kim Domingo na super-sexy sa kanyang swimsuit, ha! Aba, kahit saan nga siya magpunta, pinuputakti siya ng mga boys na bisita rin doon.

Para nga siyang bulaklak na dinudumog ng mga bubuyog, ha! Eh, ang ­seksi naman kasi ni Kim, kaya pinagkakaguluhan talaga siya.

Paolo Contis, tatay na tatay sa anak ni LJ!

Aki at Paolo

Si Paolo Contis naman ay dumating sa taping kasama si Aki (anak ni LJ Reyes kay Paulo Avelino) at yaya nito. Sa nakita namin sa pagiging malam­bing at malapit ni Aki kay Paolo ay parang siya na ang ama nito.

Hindi ko tuloy alam kung dinadalaw pa ba ni Paulo Avelino si Aki? ­Naalala ko tuloy si Jake Ejercito na lately ay ipinagdadamot daw ni Andi sa kanya ang anak niya.

Kaya hindi ko alam kung bago ‘yung picture ni Jake na nakasama niya ang bata.

Anyway, nu’ng umalis kami noong Martes ng hapon sa Pradera Verde ay naiwan pa roon sina Boy2, Sef Cadayona, Kim Domingo na ini-enjoy ang mga amenities ng Pradera Verde.

Balak nga raw bumalik ni Michael V. roon para isama ang pamilya. Kaya hindi ako magugulat kung mag-taping din doon ng isang episode ang Pepito Manaloto.

Anyway, mapapanood na sa darating na Biyernes ang first part ng summer episode ng Bubble Gang, at makikita niyo kung paano nagpatalbugan sa paseksihan sina Valeen Montenegro, Kim at iba pang girls.

CHRIS, MAGALING MAG-PIANO!

Chris Tiu

Magaling palang mag-piano si Chris Tiu. Bukod sa pagiging sportsman, philanthropist at TV personality ay may talento pala siya sa music. Hindi nga niya sinasayang ang kanyang oras sa walang kawawaang mga bagay. Napalaki talaga siya ng maayos na may takot sa Diyos mula sa pamilyang relihiyoso.

Kaya naman hindi nawawala ang science program niya na I Bilib sa GMA 7 tuwing Linggo ng umaga kasama sina Moymoy Palaboy at sa darating na Linggo ay magiging panauhin niya ang batang si Paopao ng Encantadia para aliwin ang mga bagets.