Una sa Balita

TALBOG!!!: Thea at Mikoy, tinapos na ang 4-taon na relasyon!

By
0 233
mikoy-thea
Mikoy Morales at Thea Tolentino

Break na sina Mikoy Morales at Thea Tolentino. Nangyari ito last August 5, 2017 habang nasa par­king area sila. Four years umabot ang relasyon nila.

Nag-decide ang dalawa ng mutual decision na maghiwalay sila for good para ma-achieve nila ang mas malawak na career moves.

“Hindi ito ‘yung hiwalayan na after a month ay puwede kaming magkasundo muli,” pahayag ni Mikoy.

“Mutual desisyon namin ito na putulin na ang apat na taong relasyon namin. Dumating kami sa puntong na-achieve namin ang relasyon na pareho kaming nagkakaunawaan.

Walang selosan kung makipag-partner sa iba si Thea o magsuot siya ng sexy outfit na kaila­ngan sa eksena ng project. O, kahit anong gawin ko sa role ko tulad nang pagbabading.

Alam ni Thea na natural na pumipilantik ang daliri ko. Pero,  tunay akong lalaki at always attracted sa opposite sex.

“Ang relasyon namin ay malapit sa puntong pagpapakasal tulad sa iba. Pero, never pumasok sa isip na namin ang pagpapakasal.

Inisip na­ming bata pa kami, may mas ma-a-achieve kaming mas mataas sa career namin. 

Inisip namin kung hiwalay kami, ang energy namin ay mas mapupunta sa career moves namin na magpapalawak pa ng aming trabaho bilang artista,” sabi ni Mikoy.

Sa tingin ni Mikoy, tumagal sila ni Thea dahil sa inuunawa nila ang isa’t isa sa mundong ginagalawan sa showbiz. Kahit ‘di sila madalas nagkikita, nagtitiwala sila sa isa’t isa. Pero, andoon ang caring pa rin nila.

Tatlong taon na si Mikoy sa Pepito Manaloto sa role bilang ba­ding na si Roxy. Kabarkada siya nina Jake Vargas at Julie Anne San Jose. Mostly ang eksena niya ay kasama ng mga magbabarkada sa school.

Ang Pepito Manaloto ay walong taon na sa ere na consistent no.1 sa ratings game tuwing Sa­turday night. Maraming programa nang itinapat sa show, pero tumitiklop.

Naiiba ang programa dahil ang bidang si Michael V, bilang si Pepito, ang nag-concept ng show na pattern sa buhay ng isang lalaking sinuwerte dahil nanalo sa Lotto. Kaya ang title ng show ay Pepito Manaloto.

Si Thea ay bida/kon­trabida saHaplos, kasama sina Sanya Lopez at Rocco Nacino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More