Una sa Balita

TALBOG!!!: Solenn, natakam sa ‘hotness’ ni Kristoffer!

By
0 118

Pinakahinahangaan talaga namin ang samahan ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Napaka-transparent kasi nila sa lahat ng gagawin nila.

Example na lang nito ay nu’ng mainis ang Taste Buddies host sa kanyang hubby dahil ginising siya nito.

“So annoying,” ang sambit ni Solenn sa kanyang asawa sa isang video na kuha mismo ni Nico wherein pinakita niya kung papaano niya ginising ang kanyang misis.

Dahil dito, naloka kami sa pagsugod ni Solenn sa kanyang asawa dahil pinalo pa niya ito ng unan.

Naku Nico, may kasa­bihan dito sa Philippines na magbiro ka na sa lasing, ‘wag lang sa bagong gising.

Anyway, aliw na aliw naman ako sa pagka-straightforward ni Kristoffer Martin sa kanyang feelings. Hindi niya itinago ang paghanga na meron siya para kay Solenn Heussaff nang mag-comment ito sa litrato na pinost niya sa Instagram kung saan siya’y nagwo-work out.

Tinawag ni Solenn si Kristoffer ng ‘hot’ na parang takam na takam nga, kaya hindi napigilan ng Kapuso leading man ang kanyang kilig. Malapit nang mapapanood si Kristoffer sa GMA afternoon prime show na Hahamakin Ang Lahat kung saan makakatambal niya ang ex-girlfriend na si Joyce Ching.

“Akin lang si Julie Anne!” — Benjamin

Nilalanggam na naman ang Instagram feed namin dahil sa ka-sweetan nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose. Nag-post kasi ang dalaga na nagla­laro siya ng isang video game, at agad namang nag-comment ang Kapuso actor saying na gusto rin daw niya ng isa.

Sabi naman ng singer na pwede for 2 players, pero sabi naman ni Ben, ayaw raw niya na may ka-share. Hanggang sa nauwi ito sa sinabi ni Ben kay Julie Anne na “Ayoko, akin ka lang.” Agad naman itong kinakiligan ng kanilang mga fans.

Don’t worry, hindi na lang sa internet magpapakilig ang dalawang ito dahil bibida rin sila sa afternoon prime show na Pinulot Ka Lang sa Lupa kasama sina LJ Reyes at Martin del Rosario.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy